ni David Bacay at Neil Salaveria

Sa pakiki-isa ng mga kapulisan ng Dipolog City, Kasama ang mga kasapi ng Peer Health Navigator Network (PHNN)at Guidance Office,ginanap ang isang symposium hinggil sa school safety at hakbang sa pagtugon sa karahasan dito sa ZNNHS-T, kahapon, Hulyo 3, 2026.

Layunin ng symposium na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa tamang pagtugon at pag-iwas sa mga mararahas na insidente sa loob ng paaralan sa ilalim ng temang, “School Safety and Active Response During School Violence Incidents.”

Pinangunahan nina Lieutenant Officer Noryel S. Bagalanon at Guidance Counselor Leah Sumondog ang talakayan, kung saan tinalakay ang mga pangunahing hakbang na dapat gawin sakaling magkaroon ng insidente tulad ng school shooting.

“Kung sakaling magkaroon ng school shooting, ang dapat gawin ay manatiling kalmado at huwag mag-panic. Isara ang mga pinto at bintana at umiwas sa paglapit dito upang maiwasan ang panganib,” pahayag ni Lieutenant Bagalanon.

Samantala, ibinahagi naman ni Bb. Leah Sumondog ang kahalagahan ng basic psychological first aid upang matulungan ang mga indibidwal na makaranas ng trauma sa gitna ng insidente.

“In order to help someone, you need to be calm, and you need to give them assurance that they are safe with you,” ani ni Bb. Leah.

Sa pagtatapos ng symposium, bitbit ng mga mag-aaral ang mahahalagang kaalaman sa tamang pag-iwas at pagtugon sa mga karahasang maaaring magdulot ng panganib sa loob ng paaralan at sa komunidad.